Ako'y naaawa sa kasalukuyang lagay ng aking bansa. Dahil sa El Niño, malapit nang matuyo ang mga dam na nagbibigay ng kuryente sa maraming probinsya. Dahil sa El Niño, ang mga irigasyon ay hindi na gumagana. Dahil sa El Niño, ang mga tanim ng ating mga magsasaka ay nasasayang. Ang kondisyon ng panahon ay nagbabantang makasira sa takbo ng ekonomiya. Nararanasan na sa Metro Manila ang mga "rotating brownout" na siya namang nakakaapekto sa takbo ng negosyo. Laganap na din ang sakit dulot ng sobrang kainitan.
Sa lahat ng ito, ang pinaka apektado ay ang ating mga mahirap na kababayan. Nakakalungkot. Mas nakakalungkot ay tila ang kawalan ng aksyon mula sa ating mga hinalal na opisyal ng bayan na tungkulin ay maglingkod. Sila ay abala sa pamumulitika. Hindi naman ito kagulat gulat. Dahil kung sa bagay, bihirang makarinig ng mga kongkretong plano at posisyon ukol sa mga importanteng isyu ng bansa. Sino na ba ang nakapagbigay ng malinaw na posisyon sa reproductive health bill? Sino na bang nagbigay ng suhestiyon sa lumalalang kakulangan sa pagkain? Sino na bang nagbigay ng solusyon sa krisis sa kuryente at tubig? Iba ang pinagkakaabalahan ng ating mga pulitiko. Puro pasikat, papogi, at pahirap ang inaatupag. Mga hangal!
Diyos ko, sana ay magpaulan kayo ng grasya sa Pilipinas kong mahal.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment